Entry: _*^*~LIFE~*^*_ Sunday, December 19, 2004



Ang pag-ibig… masaya nga ba? Agree ba kayo sa sinasabi ni bamboo na… masaya ang pag-ibig…?? Teka, ano nga ba ang pag-ibig?… yan ang tanong ng bayan na hindi pa rin masagot ng marami… kailan mo malalaman kung totoo na ang pag-ibig… may ibang nagsasabi na ang pag-ibig daw… pag masaya ka kapag kasama mo ang taong minamahal mo daw… pag-ibig ba yon… na-eenjoy mo lang ang company niya… gusto mo laging kausap… laging ka-text… at laging kasama… wala tayong magagawa.. dahil para sa iba… pag-ibig ang tawag nila…

When our class had our three-day retreat sa tagaytay… saya! May natutunan ako tungkol sa pag-ibig na di ko natutunan from experiences… astig talaga c father non… kala ko nga puro family encounter dun eh… aba, may usapang lovelife pa… eto ung mga natutunan ko… sabi niya ang pag-ibig nagsisimula… sa FRIENDSHIP… yan… bestfriends daw kunwari oh… pero may hidden feelings pala beyond that friendship… kumbaga sa school… elementary pa lang ang pag-iibigan niyo… pero… para saken… friendship is the most valuable relationship… mahirap mabuwag yan eh… kase tanggap niyo isa't isa kapag true friends and turingan niyo… Eventually, ang friendship… nagiging INFATUATION na… para sa mga freshmen, sophomore, juniors at seniors… sabi ni father… ang mga estudyanteng nagkaka-boyfriend o girlfriend sa ganitong edad ay infatuation lang ang nararamdaman at HINDI LOVE… bakit?? Kaya mo bang mamatay para sa taong ito? Na iiwan ka lang at sasaktan…? Minsan ang meaning ng nasaktan saten… ung tipong… wala ka nang kasamang mag-gala sa mall… walang kausap sa phone… walang katext… at walang nagsasabi ng "iloveyou"… kaya para sayo… masaket… Sunod, kapag nasa college ka na… dito pa raw mararanasan ang tunay na pag-ibig… LOVEang next stage… sa kolehiyo mo pa mararamdaman ang totoong saket… ung hndi lang dahil wala kang makasama kundi dahil… hindi mo siya maipaglaban… minsan nga dito pa nangyayari ung square with the parents… dahil ayaw nila sayo… masaket yon! Hindi dapat tayo magmadali ma-inlove dahil mahirap pag nasaktan ka… pero… ang pag-ibig lalo na kapag hindi pa kayo kasal… ay maraming restrictions… huwag pabugso-bugso ng damdamin dahil tandaan… lalo na sa mga babae… Lagi tayong talo!!! Kaya huwag magpapatalo sa mga lalake… huwag bibigay agad… baka pagsisihan niyo habambuhay at isumpa niyo pa yung lalaking yon. Ang love dapat tama lang… no more, no less… dahil kapag sumobra… ang last stage… sabi ni father… EXPLOITATION… biruin niyo… nang dahil sa pag-ibig na yan… ma-eexploit ka??? Alam niyo naman siguro ang meaning niyan… hindi ko na palalawakin dahil wala pa akong karanasan… at ayokong ma-engage diyan! Ang F-I-L-E na iyan ang bumubuo sa L-I-F-E ng ibang tao diyan… kaya sana… huwag nating gawing reason ang love… para lang maging IN sa generation X!

Ang pag-ibig… most of the time… nagiging cause yan para magkasala ka… dito kase… maraming demands… lalo na ang mga lalake… gusto nila lagi kayong magkasama… kahit alas-dose na ng madaling araw… call and text 24/7… at iba pa. Kapag ang lalake nagyaya na mag-date sila ni babae… at hindi pinayagan si babae… nako po! Daming alam na strategy ni babae para lang tumakas! Ciempre… ang most used line… "Mommy, gawa lang po kameng project sa bahay ni (kung cno mang classmate ang lumabas sa bibig mo)…" at eto namang si mommy… papayagan ka… project eh… buong-buo ang tiwala sayo… pero… ang hindi niya alam… kasama mo na ang boyfriend mong masyadong demanding… pano mo masasabing true love yon… eh kasinungalingan ang sinasabi mo sa mommy mo… hehehehe… ala na kong masabi… huwag lang tayong magmamadaling magka-crush, magka-boyfriend, o ma-inlove… dahil ang true love… hindi hinahanap… kusang dumarating…

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments